BLACK IS THE NEW YELLOW.

Minsan. Kahit na sobrang napapagod ka na at gusto mo ng sumuko, bigla-bigla mo na lang maiisip, ‘Napakaraming bagay na ang aking napagdaanan, maraming bagay ang sinakripisyo ko at napakaraming bagay ang ginawa ko para sa kanya, ngayon pa ba ako susuko?’ ‘Yung mga bagay na napagsamahan niyo, ‘yung mga bagay na binahagi niyo sa isa’t isa at ‘yung mga bagay na hindi mapapantayan ninuman, ‘yan ‘yung mga dahilan kung bakit hindi tayo agad-agad sumusuko sa isang laban. Mga dahilan na isipin lang natin e agad tayong nabubuhayan at muling magpapatuloy sa ating pinaglalaban. Kahit gaano kaimposible o kahirap talagang kakayanin para sa pinakaaasam na tagumpay. Ang mahirap lang kasi kung minsan, habang siya pinaglalaban mo, siya naman nagpapakahirap din ipaglaban ang iba.

  1. ohhnana-wtf reblogged this from happygoluckyboy
  2. pinakabeautiful reblogged this from happygoluckyboy
  3. happygoluckyboy posted this