BLACK IS THE NEW YELLOW.

Paano ba talaga umamin ng tunay na nararamdaman sa isang tao? Hindi ko alam kung bakit pero hirap ako pagdating sa ganito kahit na alam ko namang walang masama sa pag-amin ng nararamdaman sa isang tao. Hirap na hirap ako lalo na kung sobra ko na siyang gusto. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung paano ko sasabihin, paano ko sisimulan ang aming usapan, at kung saan ako kukuha ng lakas ng loob para magawa ‘yun. Sa totoo lang, madali lang ‘to e. Madaling isipin pero napakahirap gawin. Haha. Siguro. Nahihirapan ako kasi natatakot ako. Natatakot na baka may magbago, may magbago pagdating sa pakikitungo sa isa’t isa. ‘Yun talaga kinatatakot ko, sa isang pagkakamali mawala ang lahat. Pero kung hindi ko naman susubukan baka mas malaki ang mawala. Ano ba talaga? Ang gulo ko, dba? Baka sa oras na aminin ko na na may gusto ako sa kanya e lalong malayo ang loob niya sa akin. Baka iwasan niya ako. Ayoko nun. Hindi na nga kami naguusap kasi nahihiya akong kausapin siya tapos iiwasan niya pa ako? Ang hirap kaya ng ganun. Paano ba talaga gagawin ko? Paano ko ba talaga masasabi ang nararamdaman ko sa kanya kung sa bawat oras na nakikita ko siya natutulala na lang ako at hindi makapagsalita?

  1. shutangna reblogged this from happygoluckyboy
  2. paolodee said: sabihin mo na agad. yun lang yon.
  3. zldyespanol reblogged this from happygoluckyboy
  4. mahiligsaoreo said: mas mganda na po na maging natural ka kapag kasama mo sya . wag mo pong pahalata na may gusto ka sa kanya kase pwedeng mailang sya sayo :))
  5. happygoluckyboy posted this