BLACK IS THE NEW YELLOW.

w/ Alyssa and Kirbeng. Kahapon ‘to sa Sta. Maria, Bulacan. Niyaya lang ako netong dalawang ‘to eh. E hindi naman ako makatanggi kasi minsan lang naman mangyari ‘to. 

Kahapon. February 19, 2012. Call time namin ni Alyssa sa SM North ng 8am. Bawal daw malate kay maaga pa lang nagising na ako. Halos sabay lang kami nakarating sa tagpuan. Sumakay kami agad at mga 9 na kami nakarating sa bahay nila Alyssa. Pinapunta agad namin si Kirby na isang taon pa yata kung maligo. TAGAL eh. Haha!

Mga 11 na yata nung nakasama na namin si Kirby. Sumakay agad kami ng Bus papuntang Walter Mart. Doon nakapagkwentuhan na kami. Binalak ang dapat gawin. Gusto namin manood ng sine. Pagkarating namin biglang nagbago ang isip kaya naisipan na lang kumain. Sawa na kami sa KFC, MCDO, JOLLIBEE kaya sa GREENWICH kami kumain. Sagot ni Kirby. YEY! Kung sino pang bata siya pa ang nanlibre. AYOS!

After namin kumain pumunta naman kami ng World of Fun. Nagkaraoke kami. Haha! Nagrecording ba, magaganda kasi boses namin. Haha! LOL! Bumili ng memorabilya. At ‘yun bumabad sa initan ng ilang minuto upang maghintay ng masasakyang bus. Pagkababa namin naglakad naman papuntang 7/11. Bumili si Kirby ng Mogu-mogu. Kami na walang alam ni Alyssa. Haha!

Ayun. 4:30 na nun at nagaalala na si Kirby baka pagalitan siya kaya sabi niya uuwi na siya. Ayaw namin pumayag ni Alyssa kasi maaga pa saka minsan lang naman mangyari ‘yung magkita-kita kami. Hinatid niya kami tapos hinatid namin siya. Ang gulo noh? HAHA! Nung hinatid na namin siya naglakad kami kasi trapik dahil sa parada. Pagkatapos ng parada e tuluyan ng umuwi si Kirby. PAALAM! Haha! At yun naiwan na kami ni Alyssa. Pagkauwi namin kumain kami. BUSOG na naman sa pagkain! Nakipagkulitan sa mga bata. Feel at home ako. Feeling ko kamag-anak ko rin sila. Hehe!

At yun. Nung gabi na, umuwi na kami sa Maynila kasabay ang pamilya ni Alyssa. Naghiwalay kami sa Cubao at dun na ako sumakay pauwi.

Waaah. Saya lang ng bonding. Sa uulitin. >:D<

  1. thejokermaycry said: Awwwwwwwwww….. :’)
  2. greatkirby said: upload niyo na kanta para marinig ang ganda ng boses haha jk
  3. happygoluckyboy posted this