BLACK IS THE NEW YELLOW.

Ayaw na ayaw ko talagang may pinaghihintay ako. Hindi baleng ako na lang ang maghintay ng matagal e ayos lang huwag lang ako ‘yung hihintayin. Ayoko talaga ng ganun. Ayoko ‘yung feeling na parang paimportante ako masyado kasi hinihintay pa ako. Kaya sa mga ganung pagkakataon(kunwari may lakad) pauunahin ko na lang sila kasi nahihiya ako kung hihintayin pa nila ako. Sino ba ako para hintayin? VIP!? Basta. Ayaw na ayaw ko talaga na ako ‘yung hinihintay kasi alam ko feeling kapag naiinip.

  1. janabeb said: Same :)
  2. happygoluckyboy posted this