Dear You,
Hi. Kamusta? Miss na kita kahit kasama lang kita kahapon. Hehe! Sweet ko dba? Syempre, para sa isang espesyal na babae para sa akin papahalagahan ko ang araw na ‘to kasi ito ang araw na isinilang ang isang magandang babaeng may matining na boses, ito ang araw na isinilang ang babaeng pinagkaitan ng ‘katangkaran’, ito ang araw na isinilang ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko ngayon, isa sa matalik kong kaibigan, si Luzia.
Hindi ko inasahan ang pagdating mo sa buhay ko. Dati rati masaya naman ako sa buhay kong wala ka pero nakakainis ka, mula kasi ng makilala kita, pwede pa palang maging mas masaya. Nagkita na pala tayo dati sa skul pero hindi ko man lang namalayan na nagpiktyuran pala tayo nun, buti na lang at pinakita mo piktyur natin at ‘yun naalala ko rin. Natatandaan ko, nagkausap tayo dahil papalapit na ang TUMU nun. Hindi pa kita masyado kilala nun, chineck ko blog mo at pinalow kita. Nung nagkita na tayo. Ilang beses rin tayong kumuha ng larawan ng magkasama pero hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng oras nung mga panahong ‘yun e hindi man lang tayo nakapag-usap. Ni-Hi Ni-Ho wala eh. Dba? Pagpasensyahan mo na ako nung mga panahong ‘yun. Snob talaga ako. Famous eh. Haha! De joke. Mahiyain lang talaga ako sa una. Pati na rin sa pangalawa. Joke lang ulet.
Naalala ko rin nun, nagsumbong ka kay bespren(Alyssa) sabi mo napakatahimik ko at mahiyain masyado. Sumalungat sayo bespren ko kasi dun ka pa nagsumbong e kilalang kilala ako nun. Kapag magkasama nga kami nun para kaming ratatatatatatatat sa ingay eh. First impression mo siguro sa akin ‘yun, ‘yung mahiyain at tahimik. Nagkakamali ka, tunay ngang ‘first impression never last’ kung alam mo lang kung gaano ako kaingay at kabaliw kasama. Kung alam mo lang kung gaano ako nagmumukhang tanga kapag kasama ko mga kaibigan ko. Wagas kung wagas kasi ginagawa kong katatawa sarili ko kahit nasaan. Ewan ko, kapag sinasapian na ako, ‘yun na. Matakot ka na. Haha!
Simula nun, nagkakausap na tayo sa chat, nakakapagkwentuhan, kulitan at bolahan. Dun mo siguro ako mas nakilala. At dun rin siguro kita mas nakilala. ‘Yung mga pananaw mo bilang babae sa aming mga lalaki, hinahangaan kita dun. Bibihira kasi sa mga babae ang katulad mo kasi karamihan e sarili lang ang iniisip at puro lang sila ang nasasaktan, hindi naman laging ganun dba? Pareho lang namang may mali e at ang mahalaga e magpasensya at intindihin ang isa’t isa para maging ayos ang lahat, tama ba? Ang dami ko rin nakwento at nadrama sayo no? Ang bilis kong maging komportable sa pakikipagusap sayo nun kasi alam ko naiintindihan mo ang nararamdaman ko.
Medyo nawala ako nun, ‘di ako nakapagonline at ‘di kita nakausap at nagulat ako ng nakita kong may nagTA sa akin. Fan Mail pala.

Hindi ko alam mararamdaman ko pero bigla na lang ako napangiti ng mabasa ko ‘to. Kahit pala hindi ako magparamdam ng ilang mga araw e may taong nandiyan pa rin sa akin para kamustahin ako at para iparamdam na may mahalaga ako sa mundo. Salamat sa pagpaparamdam sa akin nun.
Sobra akong kinilig, alam mo naman ‘yun dba? Kasi una pa lang sinabi ko ng crush kita. Crush lang naman wala namang masama. :’> Tapos ‘yung malaman ko pang crush mo rin ako. Syete. Para akong sasabog sa kilig nun. Sorry kung naprintscreen ko ‘to ngayon ah. Hindi ko naman pinublish eh. Haha! ‘Yung panahong nagfan-mail tayo ng mahaba sa isa’t isa, sobra akong natutuwa nun. Hindi ko na nga namamalayan sarili ko eh bigla bigla na lang napapangiti. Ikaw kasi eh. Kasalanan mo ‘yun. :)
At neto lang February 23, 2012. Nakapagbonding rin tayo. Ayan ah. Hindi na ako tahimik, sabi ko kasi sayo eh sa una lang ang pagiging tahimik ko eh. Ang tining tining ng boses mo pero hindi ako naririndi, ikaw kasi nagsasalita eh. Ang liit liit mo pero ang laki laki ng tiwala ko sayo at ang gaan gaan ng loob ko sayo.
Uy. Maliit na nilalang. Maligayang Kaarawan sayo. Alam kong mahalagang araw sayo ‘to kaya espesyal ang pagbati kong ‘to sayo, ayoko naman kasing simpleng Happy Birthday lang. Ang cheap nun! Haha! Salamat ah. Salamat at nakilala kita. Sa mga payong naibigay mo sa akin, sobrang salamat kasi marami akong natutunan sayo, maraming bagay ang napagtanto ko dahil sayo. Salamat talaga sa lahat. Sobra sobra talaga akong nagpapasalamat kasi pinakilala ka sa akin ni God. Sana mas makilala pa natin ang isa’t isa. Sana mas marami pang bagay ang mapagsamahan natin. Sana huwag mo akong kakalimutan kahit na marami kang mga kaibigan. Ganun din ako sayo. SALAMAT. SALAMAT. SALAMAT. Kulang ang mga salitang ‘to para pasalamatan ka sa mga bagay na binago mo sa akin. MARAMING SALAMAT! Sorry pala kung ang kulet ko ah. Kung inaasar kita, ganun lang talaga ako at sana maintindihan mo. PASAWAY kaibigan mo eh. Maging mahaba sana pasensya mo sa kakulitan ko. Gala ulet tayo ah. Miss na kita.
Maligayang Maligayang Maligayang Kaarawan sa isa sa mahalagang babae sa buhay ko, Luzia Angeles. Huwag na huwag kang magbabago. Nandito lang ako lagi para sayo ah. Isang text, tawag, chat, TA, tag lang sa akin, nandiyan na ako para sayo. Alam mo ‘yan. I love you. Happy Birthday.
Love,
Me.
-
brainfartingideas liked this
-
wishyourmylove liked this
-
pinaasamonanamanako liked this
-
reddishprince liked this
-
acousticveins liked this
-
batangisip liked this
-
issaparasayo liked this
-
captofryll liked this
-
papakasalanpakita said:
LESHE TO!!! NATOUCH NAMAN ANG PUSO KO!!!!! -_- NAKAKATUWA KA!!!! :)))))) THANK YOU ACEEE!!! NAAPPRECIATE KO SOBRA!!
-
papakasalanpakita liked this
-
superaejey liked this
-
supladangbitter liked this
-
nelheenxolic said:
waaahahaha! binata na si ace. CHAR!
-
nelheenxolic liked this
-
flngmgnd liked this
-
si-ano-ay-ano liked this
-
bittersweetcassy liked this
-
purpleblogger liked this
-
willyoufightforme liked this
-
iamanshe liked this
-
hellyeahjenny liked this
-
walangprinsipe liked this
-
nagiinarteee liked this
-
peng-iloveyou liked this
-
akosimemerpot liked this
-
happygoluckyboy posted this


